Extra Challenge: Especially For You Episode Guide 2
c/o tipsy43 & aquanta of iGMA
Pinasakay si Jen sa banca at nanghuli ng mga bangus sa laot. Bigat na bigat siya kasi 21 pieces of bangus ang dala dala niya. Ang haba pa ng handle ng fish net pati yung styrofoam box binuhat niya. Sabi ni Jen sa mga bangus, "Maglakad na nga lang kayo." Pinagsayaw pa niya yung isang bangus.
Ang challenge niya ay magdaing ng bangus. Nagdemo muna ang isang manang. Pinahiwa/pinalinisan sa kanya ang mga bangus. Takot si Jen at baka daw umiyak ang mga ito. Sabi niya gumagalaw pa ang mga bangus tapos hihiwain niya. Sabi tuloy nung katabi niya na staff, "Isipin mo na si Mark yan." Hahaha. Kaya si Jen naman nagbiro na minadali ang paghiwa. After dinaing niya ang mga bangus at pinatuyo niya sabay kanta pa.
At dahil nagawa nya ang challenge nanalo sya ng Clothes, Bags and Shoes worth 30,000
San Juanico Bridge Challenge teaser:
Bago pumunta sa SJB: bagong ligo ata si Jen sumakay sa van kasama si Tita Lydia na dala ang isang plastic ng posters ni Jen. Ang daming tao na nagmistulang fans day daw sabi ni Paolo. Sabi ng mga tao kay Jen ang ganda pala niya. "Thank you," sagot ni Jen.
Papunta o papalapit pa lang sa SBJ sumisigaw na si JEN ng "Oh my God! Oh my God!" Alam ko na! Alam ko na!"
Grabe sa tawa si Jen ng nakita niya. Ayaw daw niya at hindi niya kaya tatakas na daw siya pano yan sabay sa van
To be continued...
iGMA Video: Real Format

0 Comments:
Post a Comment
<< Home